Chatting with singer-songwriter Arwind Santos. Yes. Arwind Santos.

Arwind Santos of San Miguel Beermen. (Czeasar Dancel/NPPA Images)
Arwind Santos of San Miguel Beermen. (Czeasar Dancel/NPPA Images)

Arwind Santos has always been excellent at surprising people. He looks like he’s goofin’ around for 48 minutes, driving you nuts with off-balanced shots and emergency passes, but by the end of the game he’ll surprise you by either scoring 27 points like he did against Barako Bull or tallying a double-double like he has done so many times before. Just when I thought Arwind shooting 50 percent from three-point country in the PBA Philippine Cup was surprising enough (peks man bro, 50 percent), he comes up with an even bigger surprise. The slender man, the former league MVP can write songs and sing them too. Explaining the inspiration for his debut single “Bagyo” – part of his upcoming album that will have 11 original tracks, Arwind isn’t goofin’ around at all. He is as serious as any singer-songwriter can be.

MH: Ikaw ba talaga sumulat ng kantang “Bagyo”?

AS: Ako talaga sumulat. At ang tumulong sa akin para makabuo ng tono yung Mama ko at yung Tito ko. First time ko nga makapunta ng recording studio. Isang araw nga yun eh. Pero matagal na yan and hindi pa final yung videos niya. Pero may mga videos doon na isasama na like yung pasahan ng bola.

MH: Ano ba ang message ng kantang “Bagyo”?

AS: Ang concept niyan talaga, tungkol sa mga nasalanta ng bagyo. May aral yung kantang yan. Hindi yan basta ginawa ko lang. Basta pag mag bagyo, mahina man o malakas, kailangan mag-doble ingat tayo. Tapos para doon sa mga namatayan, nasiraan ng bahay, huwag sana silang mawawalan ng pag-asa. Kasi may mga tao na gusto din tumulong. Kaya nagkaroon ng pasahan ng bola doon sa music video.

MH: Kailan ka nagsimula magsulat ng mga kanta?

AS: Siguro pagkatapos noong nag-champion kami, Petron pa yun. Tapos pinalad tayo maging MVP. So siyempre inspired tayo. Yung nararamdaman mo talaga na blessed ka. So sinubukan ko magsulat ng kanta. Mahilig din kasi ako kumanta pero hindi ako magaling kumanta. Hindi maganda boses ko. Pero ako at pamilya ko, mahilig kami kumanta. Ganyan kami. So sinubukan ko magsulat. Nagulat ako na nakakabuo ako ng mga kanta. Nakagawa ako ng maraming songs. Lahat yun may koneksyon sa buhay ko at sa buhay ng mga tao. May pinaghuhugutan talaga siya.

MH: Hindi ka ba nahirapan kasi bago ka pa lang sa pagsulat ng mga kanta?

AS: Doon sa gym kung saan kami nag-wo-workout, mayroon doon na kasama sa isang banda. Tandang-tanda ko yung sinabi niya tungkol sa pagsulat ng kanta. Sabi niya, ‘Ang paggawa ng kanta, pag nahinto ka sa pagsulat at hindi mo maituloy, ibig sabihin ‘nun yung huling word na nilagay mo, hindi yun bagay sa kanta mo.’ Aba oo nga. Totoo! Totoo nga! Kasi nangyayari din sa akin yun.

MH: So bakit mo naisipan na i-share yung kanta mo at singing voice mo sa mga tao?

AS: Sabi kasi ng agent ko bibihira yung player na gumagawa ng kanta na ikaw ang sumulat mismo.

MH: Kailan namin maririnig yung iba mo pang kanta?

AS: Yung agent ko din kasi nag-de-decide. Lalabas daw yan isa-isa lang. Pag pinagsabay-sabay baka hindi ma-appreciate.

MH: Kumusta naman yung feedback na nakukuha mo sa mga fans, mga teammates mo, mga nakarinig na ng “Bagyo” sa internet?

AS: Siyempre proud din ako kahit paano. Hindi ko talaga akalain na pag-uusapan. Pi-nost lang siya kahapon, 30,000 views na kaagad siya. Ngayon nag-70,000 na agad siya sa pangalawang araw. Siyempre binabalita siya sa akin, natutuwa ako. Grabe naman ‘to. Hindi ko akalain na ganito mangyayari sa kanta. Siyempre hindi natin maiiwasan may mga haters. Kaunti lang naman sila. Normal lang naman yun. Hindi na lang ako nag-re-respond.

MH: Lahat ba ng sinulat mo ikaw din ang kakanta?

AS: Ayoko na ako kakanta ng lahat ng kanta. Mas maganda may mga singer din na bagay dun sa kanta. Yung mga kanta ko bagay kay Andrew E, Parokya ni Edgar. Pang-Pilipino talaga.

MH: Anong side ni Arwind Santos, yung side na hindi nila madalas makita ng ibang tao, ang gusto mong makita ng mga tao sa tuwing maririnig nila ang kantang “Bagyo”?

AS: Ang gusto kong ipakita sa mga kanta ko kung ano yung pinagdaanan ko. Kasi ako victim din ako ng bagyo. Alam ko kung gaano kahirap yung mabuhay sa baha, gaano kahirap tumira sa bahay na walang ilaw. Natanggalan na kami ng bubong. Naranasan ko lahat yun eh. Alam ko kung saan ako nanggaling. Hindi ko yun kinakahiya. Kapag naririnig ko yung kanta na yan, alam ko kung saan ako nanggaling. Ang masakit sa atin dito sa Pilipinas, ang dami nang namamatay, hindi pa rin tayo natututo. Sana kahit papano, pag narinig nila yung kanta, may matututunan pa rin sila.