Don’t forget: Rain or Shine's Raymond Almazan is a PBA giant, too

Raymond Almazan of the Rain or Shine Elasto Painters reacts after scoring against the Blackwater Elite during the PBA Philippine Cup on 23 October 2014. (Czeasar Dancel/NPPA Images)
Raymond Almazan of the Rain or Shine Elasto Painters reacts after scoring against the Blackwater Elite during the PBA Philippine Cup on 23 October 2014. (Czeasar Dancel/NPPA Images)


Is Rain or Shine center Raymond Almazan already one of the dominant giants of the PBA? Maybe yes. Maybe no. Maybe not yet. Maybe 50 pounds more. Maybe two additional hours in the weights room (or dining room) every day. Maybe soon. But if you’re Almazan, at 6’7”, and your nightly task is to face June Mar Fajardo or Greg Slaughter or Japeth Aguilar or Asi Taulava or Ian Sanggalang or Sonny Thoss, you don’t have a choice. You have to believe, or your team will make you believe, that you already are.

MH: Ano nararamdaman mo ‘pag sinasabi ng mga tao na yung PBA now liga na mga malalaki?

RA: Pressure din kasi mas marami pang big man na papasok next year. So kailangan ko mag-improve pa ng post moves, yung pivot, yung footwork. Kailangan kong mag-improve pa talaga. Sabi nga ni Coach Yeng (Guiao), this year is the year of the big man. Kailangan ko magpalaki talaga.

MH: Anong ginagawa mo para lalo kang lumapad at lumaki pa?

RA: After practice, weights tapos pahinga. Tapos kain.

MH: Hindi ka tinutulungan ni Beau (Belga) para lalong lumakas ang kain mo?

RA: Malakas naman daw akong kumain eh.

MH: Ang laging unang iniisip ng tao ‘pag napag-uusapan yung mga malalaki, siyempre si June Mar, si Greg and Japeth. Tingin mo ba dapat kasama ka sa mga unang iniisip ng tao? Kasama ka ba dapat sa listahan ng top big men of the PBA?

RA: Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao eh. Siguro masaya na ako kung masama nga ako sa ganung listahan. Kasi makikita naman ng tao kung deserving ka sa slot na yun eh, kung talagang dapat kang isama diba? Marami namang magaling na big men pwede isama sa ganyang line-up. Siguro darating din yung time na hindi na kailangang sabihin na, ‘Huy sige na, isama niyo naman ako diyan.’ Darating din yung time, pagtrarabahuhan ko naman yun, na sila na sana magsasabi ‘nun.

MH: Masasabi mo ba na sa ngayon, ka-level mo na sila June Mar, Greg and Japeth?

RA: Hindi ako makapagsalita sa ganyan eh. Kasi mahirap magsalita ng ganyan. Alam mo naman mga tao diba? Eto lang masasabi ko: sila yung mga big man na pinaghahandaan ko kada laro. Sila yung mga kailangan ko sabayan. Ine-expect din kasi ng iba na big man ka so dapat masabayan mo yung laro nila. Pero may mga pangalan kasi sila. Marami na rin silang nagawa sa PBA. Ang laki na ng impact nila eh. So ako, gusto ko lang makita ng mga tao na nag-i-improve ako every year. Makikita naman ng tao yun.

MH: Sige ibahin ko yung tanong. Every time na makakatapat mo sila sa game, naniniwala ka ba na kaya mo sila?

RA: Oo naman. Lagi ko nga sinasabi kay Coach Yeng, ‘Kahit ganito ako, yung puso ko sa paglalaro nandiyan.’ As long as lumalaban ka sa loob ng court, nakikita ni Coach Yeng yun. Hindi ka sumusuko. Yung effort mo laging nandiyan. Hindi naman sa nagyayabang pero yung kumpyansa ko laging nandiyan na kaya ko sila. Kinakain ko din naman yung kinakain nila. (Laughs.) Pareho lang kami ng kinakain. Yung labanan nasa puso at talent.

MH: Kadalasan yung mga players ng dumadaan ng Rain or Shine under Coach Yeng, lalong gumagaling. Malaking bagay pa yung pagsali mo sa Rain or Shine sa improvement mo?

RA: Sobrang laking bagay kasi sa ibang team baka hindi mo makuha yung kumpyansa na ibibigay sa’yo ng coaching staff ng Rain or Shine. Maski na rookie ka pa lang basta ‘pag ginamit ka ni (Coach Yeng) dapat ready ka. Makikita mo sa practice, gusto niya talagang makita ka na mag-improve. Sa totoo lang, hindi naman siya lang ang magpapagaling sa’yo. Sarili mo rin dapat kasi. Minsan, talagang makakarinig at makakarinig ka talaga kay coach. Ako maraming beses na akong may narinig kay Coach. Pero nasanay na rin siguro ako. Pero sobrang happy talaga ako na napunta akong Rain or Shine. Gusto ko rin kasi talaga maging kasing-galing ko yung pinsan ko, si Kerby Raymundo. Gusto ko rin talaga marating yung narating niya.

MH: Ano ba pinakamagandang advice ang nabigay sa’yo ni Kerby regarding playing in the PBA?

RA: Yung advice na talagang tumatak sa isip ko talaga yung hindi habang-buhay na player ka. Ingatan mo kung ano mayroon ka. Yung iba kasi dahil nakapag-PBA na, happy go lucky lang. Ipunin mo yung magiging suweldo mo. Save for the future. Pwede ka biglang ma-injure. Pwedeng three years naka-pirma ka pero hindi ka sure kung next year, makaka-pirma ka ulit. Bilang tao, bilang pinsan, sobrang laking tulong ang nabigay sa akin ni Kerby.

MH: Sige isa-isahin natin lahat ng katapat mo na big man and sabihin mo kung ano yung pinaka-strength nila. Unahin natin si June Mar.

RA: Kahit saan magaling. Post moves.

MH: Greg.

RA: Post moves din tsaka parehong mabigat yung dalawa eh.

MH: Japeth.

RA: Dapat lagi kang nakatingin kay Japeth kasi every time sa iba ka titingin, papasok sa loob yun eh. Baka dakdakan ka. Tataas kumpyansa ‘nun.

MH: Asi.

RA: Ay post moves, grabe. Kuya na tawag namin diyan. Idol ko yan eh. High school pa lang ako naglalaro na yan eh.

MH: Sanggalang.

RA: Post moves. Since college pa lang talaga, pinaghahandaan ko na si Ian. Kasi yun din challenge ni Coach Yeng eh. Kung sino malakas na big man ng kalaban, bibigay niya sa’yo. Susubukan ka talaga niya.

MH: Sonny Thoss.

RA: Ang galing din niyan. Idol ko din yan. Post moves.

MH: Kapag ikaw naman ang pinaghahandaan nila, ano naman ang strength ni Raymond Almazan?

RA: Kasi yung post moves ko, ini-improve ko pa this year. Siguro yung quickness ko and rebounding.