Advertisement

FIBA Asia Cup through the eyes of Gilas cadet Kevin Alas

Sometimes, it’s intriguing to look at sports through fresh eyes. While we can learn so much about the recent FIBA Asia Cup by chatting with a Gilas veteran like, say, Ranidel De Ocampo, to be able to draw from such a deep well of international basketball wisdom, we can likewise learn a lot about the complex Gilas journey from a wide-eyed, eager and improving Gilas cadet like Kevin Alas.

MH: You played with the best players in the PBA in the FIBA Asia Cup. Kasama ka sa team. Hindi ka reserve player. Hindi ka nakaupo behind the bench. Kasama mo sila on the bench. Kasama mo sila on the court. Magkakasama kayo naglalaro for Gilas. Ano pakiramdam noon na magkakasama kayo naglalaro sa game?

KA: At first nga surprised ako. Kasi nga pinapahinga sila Kuya Jimmy (Alapag), sila Kuya Jayson (Castro) pero at the same time, overwhelmed din ako kasi not everyone gets the chance to represent the country. At the same time, kasama ko pa yung mga premier players ng PBA. Masayang-masaya ako na at this young age ko sa career ko, na-experience ko na yung ganito. And that experience, madadala ko yan if ever mag-move up na ako sa PBA or magka-call-up sa Gilas ulit.

MH: Since you were one of the cadets sa team, ano ang trato sa’yo nila Ranidel (De Ocampo) or Beau (Belga) kasi veterans na sila. Ano ang trato nila sa’yo?

KA: Actually nagulat nga ako kasi siyempre noong una nahihiya-hiya pa ako. Then as the days passed, parang pakiramdam ko parang PBA player na rin ako kasi yung trato nila sa akin and kay Gabo (Lanete) parang pare-pareho lang. Hindi nila kami tina-tratong rookie na uutusan ka or they’ll take advantage. Yung sa ibang situations kasi, kung rookie ka, iba ang tingin sa’yo. Pero sila Kuya Ranidel, sila Kuya Gary (David) iba talaga kasi pinararamdam nila na, “Hindi kayo bago sa team.”

MH: So walang nagpabuhat ng bag sa’yo?

KA: Wala naman. Pero siyempre ako naman as a rookie, tumutulong na rin ako sa mga utility (staff) namin sa pagdala ng gamit kasi nahihiya din ako dahil puro superstar kasama ko so nagkukusa na lang ako.

MH: Si Beau, hindi naman inaagaw pagkain niyo?

KA: Ah hindi naman. Hindi naman.

MH: Ano ang mga natutunan mo by playing alongside all these PBA players? Lalo na’t naglaro ka kasama sila in an international tournament pa. It was with Gilas. You were all trying to win. Ano yung mga bagay na nakita mo through the experience?

KA: Ang dami kong sobrang natutunan. Once kasama mo sila, makikita mo talaga yung body language nila, papano sila nag-aadjust sa laro. Tapos sila Kuya LA (Tenorio), sila Paul Lee, kahit papano nagbibigay sila ng tips. Sinasabi nila, “Ang lalaki ng bantay, hindi ka pwede tu-make off ng maaga. Kailangan pagdating mo sa ilalim, kailangan may second move ka lagi.” Sila kasi na-experience na nila yan eh. Hindi matutumbasan yung mga natutunan ko dito sa FIBA Asia Cup kasi first ko nga magkalaban yung mga ganoon kalalaki. Kung yung mga tira ko sa Pilipinas, hindi naman nasusupalpal. Pagdating ko doon, kahit anong taas ng tira ko, nasusupalpal pa rin. From the coaches, ang dami ko rin natutunan dito sa tournament.

MH: Ano ang laging sinasabi sa inyo ni Coach Chot (Reyes), sa inyong dalawa ni Gabo? Ano daw ang role niyo sa team? Ano ang reason kung bakit niya kayo sinama sa Wuhan?

KA: Sa original line-up, hindi naman dapat ako kasama. Dapat all-PBA nga kasi nga preparation for the FIBA World. Nabigyan ako chance ni Coach Chot kasi point guard ako. Kailangan ko lang i-set-up teammates ko. Yun ang role ko. Siyempre dati sa mga teams ko, scorer ako. Pagdating dito, different role na. Pero okay sa akin kasi it’s for a bigger cause. Para sa bansa. Kaya nga pag-tinatawag ako ni Coach Chot na pumasok sa game, nagugulat pa rin ako. Ako naman, iniisip ko lang kailangan ready ako anytime na ipasok ako sa game.

MH: Pag-usapan natin ibang senior teammates mo like Ranidel De Ocampo. Super steady. Super reliable. Noong pinapanood mo siya sa FIBA Asia Cup, noong nakakasama mo siya, ano yung mga napapansin mo kay Ranidel?

KA: Si Kuya Ranidel kasi, on and off the court talagang okay siya kasi makikita mo na kahit superstar na siya sa PBA, nasa Gilas siya, scorer siya, hindi talaga nagbabago work ethic niya. Established na siya pero gusto pa rin niya mag-improve. Gusto niya pa rin matuto. Siyempre para sa akin, as a rookie, nakak-inspire yun. Ako nga minsan dumadating sa point na parang napapagod ako pero si Kuya Ranidel, nakikita ko na tuloy-tuloy lang siya.

MH: And of course, people are talking about Paul Lee dahil sa three clutch free throws and ang ganda ng nilaro niya sa tournament. Kung tutuusin, bago din si Paul sa team. Ano nararamdaman mo each time pinapanood mo si Paul Lee?

KA: Ang nakikita ko sa kanya, willing to learn siya. Tuwing practice namin sa umaga, nakikita ko lagi siya nagtatanong kayla Coach Chot, Coach Josh (Reyes), Coach Jong (Uichico), talagang gusto niya matuto. Pag viewing kami ng game tape, magtatanong yan palagi kayla Coach Chot. Sa PBA nga ang galing na niya eh pero willing to learn pa rin and willing to improve siya.

MH: When you got home from Wuhan and when you look back at the experience, kaya mo ba i-summarize lahat ng naranasan mo in one word?

KA: One word? Pwede bang two words?

MH: Sige.

KA: Best experience. Kasi sa lahat ng nalaruan ko, ito yung best experience para sa akin. First time ko nakalaban mga pinakamalaki, mga pinakamagaling. Ibang-iba siya sa mga SEA Games or Dubai or Hong Kong games namin before. Pagdating sa Wuhan, ang laki ng Haddadi. Ang gagaling ng kalaban namin. Ibang-iba siya.

MH: So best experience talaga?

KA: Best experience.