NU’s Jeth Troy Rosario says resilience is their weapon

Manila, Philippines - Jeth Troy Rosario of National University, during the match of Ateneo de Manila University vs National University at UAAP season 77 in Araneta Colisem on 24 August, 2014. (Dante Diosina Jr/NPPA IMAGES)
Manila, Philippines - Jeth Troy Rosario of National University, during the match of Ateneo de Manila University vs National University at UAAP season 77 in Araneta Colisem on 24 August, 2014. (Dante Diosina Jr/NPPA IMAGES)

Squandering a twice-to-beat advantage in the 2013 UAAP Final Four can either be a stigma or an incentive. It can ruin your confidence beyond repair. Or in the case of National University, it can give the team a blueprint for better results. Senior big man Jeth Troy Rosario, who tallied 14 points and 10 rebounds in their victory over Ateneo, believes in that blueprint. Last year’s debacle is this year’s motivation. Rosario and the 2014 Bulldogs know they can play better because they already know better.

MH: Your victory over Ateneo was very impressive kaya lang minsan iniisip ko, baka naman kami lang nag-iisip na impressive yung victory niyo? Baka naman kami bilib na bilib sa pagkapanalo niyo pero baka kayo alam na alam niyo pala na kaya niyo talunin Ateneo that way, na you built a big lead and nanalo kayo even with a late run by Ateneo? Baka naman para sa inyo ang pakiramdam niyo kaya niyo naman talaga talunin lahat ng team that way?

JTR: I think coming to the game kasi sinabi namin sa sarili namin na, nag-usap-usap kami as a team, para talunin ang Ateneo, kailangan namin maging disciplined and kailangan masunod namin yung execution namin. Kasi yung mga past games namin parang wala kami sa disiplina.  So may mga times sa mga practices namin, nag-uusap-usap kaming mga teammates lang na in order to win yung mga last games namin, kailangan ma-execute yung offense namin and pati sa defense namin. I think that was the reason kung bakit nanalo kami kahapon.

MH: Noong nag-usap-usap kayo, sino yung mga players na nagsalita? Sino yung mga leaders na nagsasalita kapag nag-uusap kayong mga players?

JTR: Kasi kapag nag-uusap kami, lahat nagsasalita. Pero kaming mga veterans ang nauuna. Kami nila Gelo (Alolino), si Glenn (Khobuntin) kasi Team Captain din si Glenn, ako, and si Alfred (Aroga) at si Henri (Betayene) at pati si (Paolo) Javelona. Kami nauuna tapos lahat nagsasalita at sinasabi kung ano yung mga dapat gawin.

MH: Sakto naman kasi against Ateneo, kayong mga veterans din ang nag-perform ng maganda. Ikaw, si Glenn (11 points, 5 rebounds), si Alfred (15 points, 11 rebounds, 8 blocks), si Gelo (13 points, 4 rebounds, 5 assists) and Javelona (12 points, 5 assists). Siguro after the game sa loob ng dugout, tuwang-tuwa kayo not just because nanalo kayo pero natupad kasi mga pinag-usapan niyo before the game?

JTR: Oo nga eh. Sabi namin ang ganda tingnan ng team ‘pag disciplined tayo lahat, walang kumakawala sa sistema. After the game nung nanalo, sinabi namin sa team na huwag maging complacent kasi one game lang yan. Yung panalo, isang araw lang yan. Paggising namin the next day, focus na sa next game kasi tapos na yung kahapon.

MH: Nabibilib ka ba na yung mga tao after watching NU for 10 games, they can look at NU and say Pang-Final Four talaga NU kahit wala na si Rayray Parks and Jean Mbe? Kahit paano, may tuwa ka ba na tingin ng tao kaya niyo talagang manalo kahit nawala yung dalawang MVP-caliber players?

JTR: Siyempre natutuwa rin na ganoon nga nangyari pero kung naglaro pa yung dalawa siyempre matutuwa pa rin kami. Pero I think nung nawala sila, yun yung naging wake-up call para sa amin kaya rin siguro naging ganito rin mga games namin. Naging wake-up call ‘yun sa amin na lahat kailangan mag-step-up, para makuha namin goal namin, para ipakita sa NU, para ipakita sa community namin na kaya namin manalo kahit wala na si Rayray and si Jean Mbe.

MH: If you’re looking at the other Final Four contenders, ano meron ang NU na wala ang La Salle, FEU and Ateneo?

JTR: Para sa akin, hunger siguro kasi mas hungry kami ngayon kasi iba yung title drought namin. Kung hungry sila, mas hungry kami. Yun yung edge namin.

MH: So this is your last year. Iniisip mo na ba yung PBA?

JTR: Hindi pa. Siguro after the season ko na lang iisipin kasi naka-focus talaga ako sa season na ‘to.

MH: Ah ganoon ba. Kasi feeling ko yung ibang UAAP team gusto nila mag-PBA ka na as in ngayon na para hindi ka na nila kailangan kalabanin. Pero among the PBA players, sino yung iniidolo mo?

JTR: I think it’s Marc Pingris. Gusto ko yung hustle niya sa court. Kaya niyang dumepensa ng kahit two guards or mga wingman. Parang ‘yun yung lagi kong tinutularan. Kailangan kong matuto dumepensa ng ganun, yung maka-rebound kahit imports pa kalaban niya. Lalaban talaga siya. Lalo na yung puso niya sa paglalaro.

MH: What do you normally do before a game?

JTR: Kapag pumupunta ako sa game, tahimik lang ako. Iniisip ko lang kung ano mga gagawin ko sa game. Vini-visualize ko lang kung ano magiging laro ko. Vini-visualize ko lang kung ano mangyayari sa court, kung ano kailangan ko gawin sa court.

MH: So ikaw ba vini-visualize mo na kung ano mangyayari sa inyo sa Final Four?

JTR: Hindi pa po eh. One game at a time lang. Nangyari na kasi sa amin yan last year. Parang noong nag-twice-to-beat kami, inisip kaagad namin na mag-fa-Finals na. Natalo tuloy kami kahit twice-to-beat. Nag-look forward kami agad.

MH: Ano pa yung mga mistakes niyo last year na pinag-usapan niyo na hindi niyo na uulitin this year?

JTR: Last year kasi ‘pag mga crucial parts na ng game, minsan nagka-kanya-kanya na. Parang wala na yung disiplina, yung control and yung poise. So ngayon, kahit ano mangyari, may lamang ka or nalamangan ka, pakita mo pa rin yung poise and yung composure and yung control mo sa game.

MH: Ano ba ang character ng 2014 NU Bulldogs? Ano ang character niyo as a team this year?

JTR: Character? I think yung pagiging resilient namin. Kahit anong dumating sa amin, ina-absorb lang namin. Yung mga sinasabi ng mga ibang tao ‘pag natatalo kami, ina-absorb lang namin. Kahit may sabihin yung ibang tao tungkol sa isang teammate, basta kung ano yung mistake ng isa, mistake din namin lahat. Yung pagiging resilient namin, yun ang character namin.