NU team captain Glenn Khobuntin’s battle cry is "Never Again"

Glenn Khobuntin of National University puts up a shot against Ateneo in the UAAP Season 77 Final Four last Sept. 24, 2014. (Czeasar Dancel/NPPA Images)
Glenn Khobuntin of National University puts up a shot against Ateneo in the UAAP Season 77 Final Four last Sept. 24, 2014. (Czeasar Dancel/NPPA Images)

Sometimes, it’s really different when you’re the hunter and not the hunted. Like you’re darting forward instead of pacing backward. NU Bulldogs team captain Glenn Khobuntin knows the difference, and painfully so. Last year, they were ranked number one with a twice-to-beat advantage. They lost twice. This year, the Bulldogs are ranked fourth and are on the brink of eliminating top seed Ateneo. Khobuntin doesn’t want to feel like being hunted again. Never again. The Bulldogs are hunters now, aiming for the UAAP’s ultimate reward.

MH: Ano ang personality or character ng NU Bulldogs?

GK: Nag-re-rely kami sa togetherness namin. Fighting spirit siguro din talaga kasi wala naman kaming mga star player so kailangan namin mag-rely sa isa’t isa.

MH: Kung wala kayong star player, paano niya malalaman kung sino ang gagawa, kung sino ang makaka-score?

GK: ‘Yun nga yung maganda sa amin. Umiikot yung bola. Kung sino yung open sa amin, yun yung papasahan namin. Kung sino yung alam namin na nag-ci-click, nasa kanya yung bola. Para i-she-share namin talaga yung bola para hindi predictable.

MH: Yung not having star players, pinag-usapan niyo ba ‘to? Was this an agreement before the season na parang o pare, walang star player sa atin ha? Or basta nangyari na lang siya during the season?

GK: Hindi naman pinag-usapan. Naging commitment na din namin yan, na mag-stick lang kami sa roles namin, kung ano yung roles na binigay ni Coach (Eric Altamirano). Kailangan maglaro kami within the system. Kailangan huwag kami magsasarili.

MH: Ang maganda sa inyo, hindi alam ng kalaban kung sino gagawa sa inyo. Maliban dito, ano pa strengths ng NU?

GK: Siguro yung running game namin. ‘Yun yung lagi naming ginagawa. Feeling talaga namin yun yung strength namin.

MH: You’re on your last year and you’re the Team Captain. Sa palagay mo, bakit ikaw ang napili na team captain ng Bulldogs?

GK: (Laughs) Hindi ko din alam actually. Bigla na lang binigay sa akin ni Coach Eric yung opportunity na yun. Wala talaga sa isip ko na ako yung magiging Team Captain. So noong binigay sa akin, gri-nab ko na lang. Ginawa ko na lang din. Wala talaga sa isip ko yun.

MH: Pero for sure may nakita sa’yo si Coach E kaya niya ginawang team captain.

GK: Siguro dahil ako yung pinakamatagal niyang naging player. Siya din yung nag-recruit sa akin tapos ako pa yung pinakamatagal na player sa kanya.

MH: Kung huhulaan ko ang reason, iba kasi yung tapang mo sa game. Wala kang pakialam kung sino kalaban niyo. Kung kailangan itulak, tutulak mo. Kung kailangan mong awayin, aawayin mo. Parang ganoon yung nakikita ko sa’yo. Tama ba?

GK: Medyo din kasi kailangan din talaga. Ganoon talaga sa basketball, kailangan mo ng tapang.

MH: Saan mo nakuha or nakukuha yung tapang mo?

GK: Siguro galing na din yun sa love ko sa basketball. Ayaw ko talaga matalo eh. Ayaw ko na nakikita yung teammates ko na natatalo. Kasi ang sakit na matalo. Doon nanggagaling yung tapang ko. Ayaw ko matalo yung school ko talaga. Kung kailangan may ipaglaban, ilalaban ko talaga para manalo school namin.

MH: Gaano kasakit yung inaasahan ng tao na papasok kayo ng Finals noon pero matatalo kayo sa Final Four? Natatandaan mo pa ba yung pakiramdam?

GK: Sobrang sakit. One year kayo nag-training. Nag-sacrifice kayo ng one year. Tapos nandoon na kayo sa top, isang panalo na lang papasok na kayo sa Finals. Tapos matatalo kayo dalawang beses, sobrang nakaka-down talaga na parang ayaw mo na maglaro. Pero maiisip mo na hindi pwede kasi may isang taon pa ako. Ayaw ko na mangyari ulit yun. Kaya dahil nagkaroon ako ng chance ulit maglaro sa UAAP, hundred percent ibibigay ko na talaga.

MH: It takes maturity to reach the Final Four. It also takes maturity para manalo ng do-or-die game. Paano nag-mature ang NU from day one of the tournament until the last game?

GK: Yung nangyari sa amin last year, ‘yun ang nagpagising sa amin. Kasi ang sakit. So lahat ng natira na veterans, ‘yun ang naging dahilan namin para mag-work hard, para mag-mature, para hindi na maulit yung nangyari last year. ‘Yun ang nagbigay sa amin ng maturity.

MH: Ano sa palagay mo ang lamang niyo sa Ateneo at hirap-na-hirap sila sa inyo?

GK: Hindi ko din alam eh. Ang lakas-lakas ng Ateneo. Baka nagkataon din talaga. Maganda lang siguro gising namin. Sana sa Wednesday maganda ulit gising namin para manalo ulit.