Advertisement

Ranidel De Ocampo reflects on his unforgettable game and Gilas’ unforgettable loss to Argentina

Gilas Pilipinas' Ranidel De Ocampo drives past Argentina's Luis Scola. (Photo by FIBA.com)
Gilas Pilipinas' Ranidel De Ocampo drives past Argentina's Luis Scola. (Photo by FIBA.com)

You can still see the half-inch wound of war on Ranidel De Ocampo’s scalp. It’s a dark red badge of honor. At least, it no longer needs to be stapled shut. Wait? What? Stapled shut? They didn’t bother bringing out the needle, thread and gauze during the game. The nasty gash De Ocampo sustained after butting heads with Senegal’s Gorgui Dieng during Gilas’ last assignment in the FIBA World Cup had to be stapled shut.

The staples are gone. But the pain and pride from five unforgettable games in Sevilla will remain with Ranidel for always. For him, their game against Argentina provided the most emphatic mix of pride and pain. He scored a team-high 18 points against the third-ranked team in the world. He drove past Luis Scola. He played among the world’s giants.

Even if Gilas lost by four points to Argentina, Ranidel De Ocampo felt like he belonged in the World Cup. He felt like Gilas belonged in the World Cup. He felt like we all belonged in the World Cup.

MH: Sa limang games niyo sa Spain, ano yung game na pinaka-tumatak sa’yo?

RDO: Mahirap mamimili. Magkakaiba kasi ng dahilan.

MH: Yun ‘bang ikaw as a player, doon mo nalabas talaga yung galing mo?

RDO: Ah yung sa Argentina. Napakita natin sa Argentina at sa buong mundo kung gaano kagaling mag-basketball ang Pilipino. Sa tingin ko yun din ang lagi kong maaalala.

MH: Siyempre ang maaalala agad ng tao sa Argentina game yung mga dunk ni Gabe Norwood especially since nag-dunk siya over Luis Scola. Pero throughout the second half, sa’yo talaga natatapat si Scola.

RDO: Medyo second half na namin na-realize na hindi pala siya magaling dumepensa sa pick-and-roll. Pag inatake mo siya, hindi nakakahabol. Ibig sabihin, kaya pala talaga natin makipagsabayan. Number three team yan sa buong mundo.

MH: Before the game, alam mo na ba na matatapat ka sa kanya or doon na sa game mismo nakita ng coaching staff na pwede mo atakihin yung depensa ni Scola?

RDO: Doon na sa game. Kasi hindi naman talaga ako laging first five. Tapos pagdating doon sa dugout, nag-se-stretch na ako, kakatapos ko lang mag-shooting, nakita ko first five pala ako. Napaganda din. Good start tayo noon eh. Nakakapuntos tayo tapos nakaka-stop tayo ng mga magagandang play nila. Nung kalaban natin yung Argentina, almost perfect yung game natin. 95 percent ng gusto natin mangyari, nagawa natin.

MH: Ano yung 5 percent na kulang?

RDO: Siguro yung possession-by-possession noong huli. Kung tutuusin ang dami nating chances na nasayang natin. Napakawalan pa natin. Sa tingin ko yun yung 5 percent na natira.

MH: Kaya mo ba ipaliwanag sa tao kung ano ang pakiramdam na nasa iyo ang bola at ang bantay mo si Scola?

RDO: Iba kasi ‘pag nasa court ka at iba kasi ‘pag nanonood ka lang. ‘Pag nanonood ka, makikita mo talaga siya. Pero ‘pag nasa loob ka na ng court, hindi mo na maiisip na si Scola yan eh. Ang maiisip mo yung pinapagawa sa’yo ng coach, yung pinag-uusapan niyo ng kasama mo sa loob ng court. Yun lang yung maiisip mo. Hindi mo na maiisip yung pangalan niya. Ang nasa isip mo yung weakness niya, yung strengths niya.

MH: Ano difference ng Argentina game sa ibang game niyo at nakapag-18 points ka?

RDO: Sa limang laro kasi namin, magkakaiba kasi ang depensa. Ibang depensa pinapakita ng Croatia. Iba rin pinapakita ng Greece. Tapos yung Senegal ibang depensa na naman. So dahil magkakaiba, mayroon isang player sa Gilas na lulutang. Doon kasi sa Gilas, hindi lang isa ang gumagawa. Kaya sinasabi ng ibang team na nahihirapan sila mag-i-scout. Kaya ako naka-18 points, napa-tsempo lang, napa-sakto ng timing, napa-ganda lang.

MH: Ano naramdaman mo right after the game against Argentina?

RDO: Sayang. Sayang. Sayang. Puro sayang nasa isip ko. Tinitingnan ko yung mga kasamahan ko, naiisip din nila sayang. Nakita ko rin sa kilos nila tsaka sa mukha nila, sa mata nila, sa isip nila. Yun din ang naramdaman nila. Hindi ko rin mapaliwanag yung naramdaman ko noon na proud ako pero sobrang nakakapanghinayang talaga. Sinabi ko sa isip ko, hindi tayo papayag na hindi tayo manalo. Dapat bago tayo umuwi may panalo tayo. Pabalik-balik yun sa isip ko.

MH: Ang feeling mo sa bawa’t experience niyo as a team, from the FIBA Asia to the FIBA World Cup, nagkakaroon ng pagbabago sa pagkatao niyo. Paano nagbabago ang pagkatao niyo pagkatapos ng mga ganitong klaseng karanasan?

RDO: Noong bata ako, pangarap ko lang talaga makarating sa ibang lugar sa bansa natin, sa ibang lugar sa mundo. Noon pa lang, dahil na-ikot ko yung mundo nagbago na yung pagkatao ko. Lalo na yung naglalaro ka na nasa uniform mo yung bandila ng Pilipinas. Yung alam mo na gumawa ka ng kasaysayan. Yung alam mo na maaalala ng maraming tao. Pag-uwi nga namin, ‘pag naglalakad ako, may mga babati at sasabihin, “Ranidel, salamat.” Nag-te-thank you sila. Sobra namang nakaka-touch yung mga sinasabi nila. Nakakawala rin ng pagod para sa amin yun. Sobrang hirap din ng ginawa namin. Kaya doon pa lang, nakakabawi na kami pag-nag-te-thank you sila. Nakita namin na yung mga Pilipino, mahal na mahal din yung Gilas.

MH: Anong klaseng sakripisyo ang ginawa ninyo para lumaban sa World Cup?

RDO: Sakripisyo talaga. Kumbaga yung career mo kasi nasa PBA talaga. Eh yung sa bansa, kumbaga parang pinatawag ka, halimbawa may giyera, pinatawag ka bilang sundalo. Lumaban ka ngayon. Kahit sugatan ka. Kahit duguan ka. Lalaban pa rin ako kasi para sa bayan yun. Ipaglalaban mo yung bansa mo.