The Kraken is home from Spain

June Mar Fajardo. (Photo from FIBA.com)
June Mar Fajardo. (Photo from FIBA.com)

For the moment, June Mar Fajardo is back home in Cebu. It’s a much-needed break for the Gilas center even if it will only last for a few days. He’ll spend time with his parents, Bonifacio and Tess. Apparently, Tess cried after every game during the FIBA World Cup. Those were tears of pride, for sure.

June Mar went from making rare appearances in the 2013 FIBA Asia Championship to inspiring fans to clamor for Coach Chot Reyes to give The Kraken more minutes during the 2014 FIBA World Cup. That was quite a spike in improvement. And it feels like it’s just the beginning.

I suspect that in our next international tournaments, June Mar will play even more. Therefore, Tess will cry even more. Will she shed tears of joy next time? June Mar, who quickly admits being a mama’s boy, hopes so. We hope so too.

MH: Gaano ka kasaya doon sa performance ng Gilas sa FIBA World Cup?

JMF: Siyempre masaya ako kasi hindi tayo natambakan sa mga games. Lumalaban talaga tayo. Makikita mo talaga na binibigay ng Gilas players yung best nila.

MH: Sa palagay mo, bakit hindi tayo matambakan ng mga kalaban natin?

JMF: Kasi alam naman natin na palaban ang Pinoy. Lumalaban talaga tayo. Hindi tayo nag-give-up.

MH: Hindi ba kayo kahit paano nasindak sa mga kalaban niyo especially yung unang tatlong kalaban ninyo, Croatia, Greece and Argentina? Hindi ba kayo nasindak kasi may mga NBA players sila, mas malaki sila, mas mataas ang world ranking?

JMF: Ako sa totoo lang nagulat nga ako na nagawa namin na makipagsabayan sa mga NBA players na yan.

MH: Bakit ka nagulat?

JMF: Iba eh. I-ne-expect ko kung matatalo man kami, malaki-laki lamang. Hindi sila nakalayo. Tayo pa nga yung muntik na manalo. Nakakatuwa lang din.

MH: Alam mo ang isa pang ikinakatuwa ng mga tao ay yung performance mo sa World Cup. Yung performance mo mismo. Lalo na if i-co-compare nila sa performance mo sa FIBA Asia. Tapos pagdating sa FIBA World Cup, parang ibang-iba na tao ka na. Mayroon ka bang ibang ginawa for Spain? Bakit naging iba ang performance mo?

JMF: Ahhh. Sa buhok ko siguro. Hindi, joke lang yun. (Laughs) Inisip ko lang siguro kung binigyan ako ng (playing) time ni Coach (Chot Reyes), dapat i-maximize ko yun kasi ibang level na yung competition doon eh. Yun din lagi kong iniisip. Dapat maka-contribute ako kung hindi man sa scoring, dapat sa rebounding, o kaya mabigyan ng magandang screen yung kakampi ko para ma-libre sila. Ganoon ang nilalagay ko sa isip ko.

MH: Nakikita namin na kapag umupo si Andray Blatche, ikaw madalas ang papalit. Hindi ka ba na-pre-pressure na ang papalitan mo sa loob ng court si Andray Blatche?

JMF: Yung first game namin against Croatia, pagkapasok ko pa lang, kinakabahan na ako eh. Parang mabubulag na ata ako noon sa kaba eh. Alam mo yung feeling na hindi mo alam yung gagawin mo at kung saan ka tatakbo? Pero kalaunan, medyo nakuha ko na rin yung rhythm ko and timing ko.

MH: Pero yung kaba ba, even after the first game hanggang sa game against Senegal, hindi ba siya nawala?

JMF: Hindi naman mawawala yung kaba pero ma-mi-minimize mo naman yun eh. Lagi ko lang iniisip na gawin ko lang yung kailangan kong gawin para makatulong ako sa team. Kung magkamali man ako and palabasin ako sa game, okay lang, at least may naitulong at may naigawa ako sa team.

MH: Sa lahat ng nilaro niyong game sa Spain, maliban doon sa game against Senegal, saan ka naging pinakamasaya sa performance niyo? Sa unang apat na laro ninyo, mayroon ba doon na kahit talo kayo, tuwang-tuwa ka sa nilaro ninyo?

JMF: Sa Croatia, yung first game. Yun talaga yung inisip kung matalo kami, matatambakan kami. Pero hindi nangyari yun eh. May chance pa nga tayong manalo. Nakita ko kasi yung kalaban parang natatakot din sila na matalo. So kahit natalo tayo, sobrang saya lang kasi nakuha naming makipagsabayan sa ganoon kalakas na team. Hindi ko talaga i-ni-expect pero ganoon nga ang nangyari.

MH: Favorite moment ko noong nakita ko na siniko mo si Gorgui Dieng ng Senegal ng dalawang beses. Sabi ko sa sarili ko, “Grabe, mama na talaga si Kraken.” Namamalayan mo ba yung tinutulak mo NBA player pala or yung bina-box-out mo NBA player pala?

JMF: Hindi ko na masyadong iniisip kung NBA players sila. Laro lang. Kasi kapag inisip mo na ah sobrang lakas pala nito, parang dina-down mo na rin sarili mo. Hindi ko na masyadong binibigyan-pansin yan. Naglalaro na lang ako.

MH: Minsan ikaw ang back-up o kaya naman minsan nagsasabay kayo ni Andray. Kasi hindi naman siya ganoon kakilala ng mga kababayan natin. Kayo, nakasama niyo siya sa training bago mag Spain and sa Spain mismo. Ano masasabi mo tungkol kay Andray?

JMF: Outside the court, sobrang cool niya. Magaling siya makisama. Masayahin siya. Tumatawa. Parang good vibes siya.

MH: Marunong ba siya mag-DOTA?

JMF: Ah hindi.

MH: Bakit hindi mo siya turuan?

JMF: Ayoko. Eh di dadami na kami.

MH: Ano ang pinakamagandang lesson ang natutunan mo sa Spain?

JMF: Dapat ibigay mo lang yung best mo kahit sino pa makakalaban mo.