Advertisement

Olympic Stories: Roel Velasco

Boxer Roel Velasco was a light flyweight bronze medalist in the 1992 Barcelona Olympics, and once topped the Asian Olympic qualifiers. Today he is a member of the coaching staff of the Amateur Boxing Association of the Philippines. He sat down with Yahoo! Sports to talk about his experience at the star-studded Games, his march to the medal podium, and why Philippine boxing hasn’t produced more like him. Excerpts:

Describe your road to Barcelona. How did you get to represent the country?

Grabe din ang aming elimination noon. Kami ni Onyok (his brother) at Elias Recaido. Pukpukan kaming tatlo. Kami ang natira sa timbang namin. Kaming tatlo ang laging pinapadala. Mapalad naman ako na ako ang pinili na ipadala sa unang Olympic qualifying sa Bangkok, Thailand. Doon ako nag-qualify para sa Barcelona sa 48kg or light flyweight. Nakapag-uwi ako ng gold medal doon sa Thailand. Masaya talaga ang pakiramdam ko dahil ang gold noon ay parang bonus sa akin. Ang target lang ay mag-qualify. Sabi ko, nandito na rin lang, lubus-lubosin ko na.

So noong nakuha ko ang gold medal sa qualifying para makasama sa Barcelona Olympics, maganda naman dahil masaya din kami. Mga nakalaban ko doon China, Mongolia, South Korea, and then North Korea ang final ko. Apat na laban. Noon kasi sa Asian Olympic qualifying ang kinukuha nila dalawang bronze (medalists), silver and gold.

Describe the opening ceremonies and boxing competition.

Hindi ako nakapag-martsa sa opening ceremonies dahil kinabukasan may laro ako. Sayang ang energy ko. Sa TV na lang ako nanood.

Una kong nakalaban
Kenya (James Wanene, whom Roel beat 16-1). Tapos India (Rajendra Prasad, who lost 15-6). Pangatalo, doon ako nag-bronze, kalaban Britain (Rowan Williams, 7-6). Pang-apat, natalo ako sa Cuba (Rogelio Marcelo). Siya din ang nag-gold.

Hindi naman ako nag-expect na matalo. Nag-expect din ako na may chance ako. Pero noong nasa
ring na kami, na-surprise ako dahil first round pa lang, nabilangan na ako. Nasabayan ako kaagad. Napag-aralan ako ng husto. Hindi rin ako nakaporma. Tatlong beses akong nabilangan ng eight count. Laban ako pagkatapos ng kada eight count. Minsan sa glove lang tumatama, pero binibilangan ako ng referee.
Napaluhod lang ako. Hindi ako bumagsak. Pero malakas siya talaga. Ang
Cuba kasi noon, malakas talaga. Powerhouse. Beterano din si Marcelo. First time kong makalaban ang Cuba. Noong 1993 nakabawi ako sa Cuba dahil tinalo ko si Maikro Romero, iyong nag gold medalist sa flyweight (in the 1996 Olympics). Pero bata pa siya noon. Tinalo ko siya sa Chemistry Cup sa Germany. Ako ang first Filipino boxer na nakatalo sa Cuba.

Describe the experience of being in Barcelona, in what many are calling one of the best Olympics ever.

Wala lang, simple lang ba. Nakikita ko sina Michael Jordan, sa tabi lang namin dahil nanonood siya ng boxing noon. Mahilig sila sa boxing. Sila nina Karl Malone at Charles Barkley. Nakahilera lang sila. Bali wala lang sa akin. Hindi ako nagpa-picture sa kanila. Ang inaabangan nila mga U.S. boxers.
 
Si
Oscar De La Hoya, nakasabay ko sa train. Nagkasabay sa train ang Team Philippines at Team USA. Wala akong picture. Hindi pa kasi uso ang cell phone noon (laughs).

What happened when you got home?

Mayroon akong hero’s welcome dito sa Manila, kasi si (former Manila mayor) Mel Lopez ang presidente ng ABAP noon. Mayroon noong project si Mel Lopez, iyong Quest for the Gold, kaya nakakuha din ako ng incentives mula sa private sector. Tig-P200,000 ang share. Malakin bagay din.

Nag-retire ako noong December 1999. Tapos nag-shift ako maging coach.

What has changed in amateur boxing, both locally and internationally and what needs to be done by the ABAP to be competitive again?

Sa tingin ko lahat lumakas. Sa atin, sa tingin ko may kulang pa rin tayo. Kung hindi tayo nagkulang, eh di sana panalo tayo lagi, ‘di ba? Sa akin naman, magandang ibalik iyong dating weekly boxing program. Noong una Boxing at the Park. Pangalawa naging Go For Gold. Sa bagay nabanggit na namin kay Mr. Ed Picson iyan. Sabi naman niya na gagawan niya ng paraan. Kasi kapag madaming taong nanonood, ayaw mong mapahiya. Ibubuhos mo lahat sa laban mo. So iyon ang pinaka the best, iyong mabalik ang boxing competition. Pero kailangan din ng international (exposure), kasi iba rin ang laban sa international. Kasi kung kayo-kayo lang, minsan mababasa mo na ang kalaban mo dito. Doon sa international, iba-ibang style ang nandoon. Minsan ang tingin mo sa kalaban, hindi marunong. Pero pagdating sa ring, magaling. Kailangan din natin mag-host ng competition.

(Editor’s note: Yahoo! Sports Philippines interviewed several Filipino Olympians about their Olympic experience. Each week we will be featuring at least one interview and will continue to do so until the London Olympics are over. Check back here regularly for updates.)